Pages

Saturday, 17 July 2010

Okey na?

Tagalog. Makapaglabas lang ng dinaramdam. Shet lang. Dapat nung Miyerkules pa ko bumaba ng Baguio kaya lang bumabagyo. As in. Hindi lang excuse yun nuh. Ayun, hindi isang daang porsyentong excuse yun. Pero may bagyo talaga. At xaka ayoko pa bumaba. Hindi ako sigurado kung bakit. Hindi sa ayoko sa Maynila at sa sarili kong tirahan sa Diliman. Nakakatamad lang magayos ng gamit at pumuntang Victory Liner at isipin na uupo ka dun ng halos pitong oras. Nakakapagod lang talaga bumyahe. Kung pwede lang maging diyos at ilipat yung bahay namin dito sa Baguio, ginawa ko na. Tae kasi eh. Grabe lang. Gusto ko sa Baguio kasi nandun yung mga kaibigan ko na alam kong hindi ako iiwan. Nga ba? Hehe. Alam ko pag kailangan ko sila talagang tatawagin mo lang ng ilang beses andyan na. Yung darating sa tabi mo kahit late. Ganun. Nakakainis lang na hindi yun maintindihan ng ibang taong nkapaligid saken. Hindi nila maintindihang kelangan ko ng karamay sa ilang aspeto ng magulo kong buhay. Hindi naman kasi nila maibigay kasi hindi nila ko naiintindihan. Ayaw nila ko bigyan ng pagkakataon na ipaintindi skanila kasi magsasalita pa lang ako, sermon na. Grabe lang. Pero minsan inaamin ko naman na pagkukulang ko rin kasi yung pagsasalita ko nauunahan ng emosyon. Maiiyak na lang ako agad. Mararamdaman na naninikip na yung dibdib ko tas yung lalamunan ko may something. Haha. Naiinis ako. Hindi sa ayoko sa bahay namin at ayokong bumaba. Tae. Shempre gusto ko. Mahal ko rin naman kayo eh. Duh. Mahal ko kayong lahat. Emo bigla. Kaya lang kasi kelangan ko lang talaga ng break dahil mapapraning ako na kayo lang kasama sa araw-araw na lang na hinihinga ko. Di ako maggrow. Eh yun pa naman isa sa mga importante para sken. Gusto ko kayong kasama. Ayun nga lang. Gusto ko lahat kayo kasama ng sabay sabay. Eh hindi nman pwede lalo pa’t pitong oras layo ng M at B. Tae.Nakikita niyo ba yung dilemma ko? Grabe lang. Malamang hindi. Kasi hindi kayo kasing babaw tulad ko. Alam niyo yun. Taena. Hindi ko nasabi lahat ng gusto kong sabihin dito. Sa susunod na lang siguro. Wala pa kong tulog. At gusto ko rin ng klima sa Baguio. Hello.

No comments: